Netflix Error NW-6-404

Kung natatanggap mo ang error code na NW-6-404, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang data sa device mo. Sundin ang steps para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Android TV

Siguraduhing supported ng device mo ang streaming

Kung nararanasan mo ang error na ito sa Android TV-based streaming media player o smart TV, siguraduhing na-install mo ang Netflix app mula sa Google Play Store.

Kung hindi mo nakikita ang Netflix app sa Google Play Store, hindi compatible sa Netflix ang device mo. Kakailanganin mong gumamit ng ibang device.

Roku

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Smart TV

I-reload ang Netflix app
  1. Piliin ang Iba pang Detalye sa screen ng error.

  2. Piliin ang I-reload ang Netflix.

  3. Kapag nag-reload na ang app, subukan ulit ang Netflix.

Lahat ng iba pang device

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article