Mga Patakaran sa Pagboto ng Audience na Nasa Bahay ng "Funny AF"

Puwedeng magbago batay sa sariling pagpapasya ng Like Me, Inc. (“Producer”) at/o Netflix Worldwide Entertainment, LLC (“Netflix”).

  1. Overview ng Pagboto

    Ang “Funny AF” (ang “Series”) ay isang stand-up comedian competition series (“Competition”) kung saan puwedeng iboto ng mga member ng Netflix na nanonood sa bahay (“Audience na Nasa Bahay”) ang paborito nilang (mga) contestant sa dalawang (2) live episode (ang “Mga Episode ng Live na Pagboto”) ng Series. Ang paglahok sa pagboto ay nangangahulugang pagtanggap sa mga patakarang ito. Mga resulta ng pagboto sa Mga Episode ng Live na Pagboto ang magtatakda kung makakarating ang Contestant sa susunod na round ng Competition at ang ultimate winner ng Competition sa finale episode ng Series (“Finale Episode”). Ia-announce on-air at/o makikita sa screen ang mga Contestant, ang Competition, at ang petsa/oras ng pagsisimula at petsa/oras ng pagtatapos ng Mga Episode ng Live na Pagboto. Sasailalim ang lahat ng boto sa mga kondisyon ng pagboto na itinakda ng mga patakarang ito.

  2. Sino ang Puwedeng Bumoto

    Mga active na member lang ng Netflix na nanonood bilang audience sa bahay na may valid na Netflix account (“Mga User”) ang kuwalipikadong bumoto. Puwedeng magbago ang pagiging kuwalipikado sa pagboto at/o puwedeng sumailalim sa pag-verify at pag-certify ng isang hiwalay na third party auditor. Puwedeng bumoto nang mahigit isang (1) beses sa kafa naa-apply na Panahon ng Pagboto (na tinalakay sa ibaba) ang bawat kuwalipikadong Netflix profile. Hindi pinapayagang bumoto ang mga member ng studio audience, kasama ang nang walang limitasyon, ang mga bisita, kaibigan, o kapamilya ng mga Contestant, kahit pa members sila ng Netflix. Hindi kuwalipiikadong lumahok sa pagboto ang mga indibidwal na walang active Netflix account, maliban kung gumawa at nag-activate sila ng Netflix account bago ang pagsasara ng naaangkop na Panahon ng Pagboto, na posibleng mangailangan ng pagbabayad ng mga naaangkop na bayad sa subscription alinsunod sa kasalukuyang mga tuntunin ng Netflix sa panahong iyon. Kailangang ma-recover ng mga manonood na nakakaranas ng isyu sa pag-access sa kanilang Netflix account, kasama na ang mga nakalimutang username o password, ang kanilang access gamit ang mga standard account recovery tool ng Netflix bago magsara ang naaangkop na Panahon ng Pagboto para mag-submit ng boto.

  3. Mga Panahon ng Pagboto

    Magsisimula sa Monday, May 4, 2026 ang pagboto para sa unang Episode ng Live na Pagboto ng Funny AF habang nasa opisyal na limitadong panahon ng pagboto lang (tinatawag na “Panahon ng Pagboto” ang bawat isa), na inaanunsyo on-air at/o nasa screen. Magsisimula sa Tuesday, May 5, 2026 ang pagboto para sa pangalawang Episode ng Live na Pagboto habang nasa naaangkop na Panahon ng Pagboto, na inaanunsyo on-air at/o nasa screen.

    Kasalukuyang naka-schedule ang on-air period ng Mga Episode ng Live na Pagboto ng Funny AF nang tinatayang 9:00 p.m. ET / 6:00 p.m. PT sa Monday, May 4, 2026 at Tuesday, May 5, 2026, na puwedeng magbago ang haba at oras ng pagtatapos ng episode. Hindi bibilangin ang mga botong ipinadala sa labas ng Panahon ng Pagboto. Posibleng maglagay ng mga karagdagang Panahon ng Pagboto at/o paraan ng pagboto kung napagpasyahan at inanunsyo ng Producer at/o ng Netflix batay sa sarili nilang pagpapasya.

  4. Paano Bumoto sa Mga Panahon ng Pagboto

    Posibleng isagawa ang pagboto sa pamamagitan ng pag-log in sa Netflix account mo sa ilang partikular na device na nakakonekta sa Internet kasama ang mga nakakonektang TV, computer, mobile device, o iba pang device, at sa mga paraang inaprubahan ng Producer at ng Netflix. Sa mga nakatakdang Panahon ng Pagboto na inansyu sa live broadcast ng naaangkop na Mga Episode ng Live na Pagboto, puwedeng bumoto ang mga User para sa (mga) Contestant na naglalaban sa iba’t ibang match-up (tutukuyin ang dami ng contestant sa bawat match-up batay sa sariling pagpapasya ng Producer at Netflix). Pagkatapos ng bawat match-up, puwedeng bumoto ang mga User sa pamamagitan ng pagpili ng Contestant na gusto nilang mag-advance o manalo sa Competition (“Pagboto ng Majority”). Kung hindi nakipag-ugnayan ang isang user sa mga awtorisadong platform sa pagboto, walang mare-record na boto ng naturang User. Posibleng ilapat ang mga standard na data rate para sa pag-download at paggamit ng app kung bumoboto gamit ang isang mobile device. Dapat alamin ng mga user sa kanilang wireless service provider ang pricing plan para sa mga detalye. Sumasang-ayon ang mga user na bayaran ang lahat at alinmang bayarin na sinisingil ng kanilang wireless carrier.

  5. Tie-Breaking

    Puwedeng lutasin ang mga pagkakaroon ng tie gamit ang pinalawig na decimal scoring, pagpapasya ng Mga Judge at/o iba pang paraan na inaprubahan ng Producer, na tinukoy batay sa sariling pagpapasya ng Producer.

  6. Mga Pangkalahatang Disclaimer at Limitasyon

    1. Mga Iregularidad sa Pagboto at Teknikal na Isyu

      Inilaan ng Producer at Netflix ang karapatan, batay sa sarili nilang pagpapasya, na lutasin ang anumang aktwal o pinaghihinalaang teknikal na problema, pag-malfunction ng system, error, pagkawala, pagkagambala, pagkakamali, pagkaantala, o iba pang iregularidad sa pagboto na posibleng makaapekto sa integridad, pagiging patas, o maayos na pangangasiwa ng proseso ng pagboto (sama-samang tatawaging “Iregularidad sa Pagboto”). Posibleng kasama sa mga hakbang sa pagtatama ang, nang walang limitasyon, pag-extend, pag-reopen, o pagpapawalang bisa sa isang panahon ng pagboto; pagpapatupad ng mga alternatibo o backup na paraan ng pagboto; pag-calculate ulit o hindi pagsasama ng mga apektadong boto; o pagsasagawa ng anupamang aksyon na ipinagpapalagay ng Producer na kinakailangan o naaangkop para mapanatili ang integridad ng competition. Hindi magkakaroon ng anumang obligasyon ang Producer o ang Netflix na magbigay ng abiso o ipaliwanag ang anumang nasabing hakbang sa pagtatama. Inilaan ng Netflix at Producer ang karapatan, batay sa sarili nilang pagpapasya, na i-cancel, tapusin, baguhin, o suspendihin ang pagboto kung magkaroon ng anumang virus, bug, hindi awtorisadong pakikialam ng tao, epidemic, pandemic, panloloko, o iba pang dahilan na wala sa kanilang kontrol ang nag-corrupt o nakaapekto sa pangangasiwa, seguridad, pagiging patas, o wastong pagsasagawa ng proseso ng pagboto.

    2. Ipinagbabawal na Asal

      Mahigpit na ipinagbabwal ang anumang pagtatangkang manipulahin o pakialaman ang proseso ng pagboto, kasama ang, nang walang limitasyon, awtomatikong pagboto, paggamit ng mga bot, automatic programmed, robotic, script, o iba pang teknolohikal na paraan; pagmamanipula ng boto; pamimili ng boto o pag-aalok ng konsiderasyon kapalit ng mga boto; o paggamit ng mga third-party para manghingi o mangalap ng boto. Inilaan ng Producer at ng Netflix ang karapatan, batay sa sarili nilang pagpapasya, na suriin, pawalang-bisa, i-disqualify, o alisin ang anumang boto na pinaniniwalaan ng Producer at ng Netflix na nakuha nang labag sa mga patakarang ito o nakuha sa hindi wastong paraan, at na magsagawa ng anumang karagdagang aksyon na ipinagpapalagay na kinakailangan para protektahan ang integridad ng proseso ng pagboto.

    3. Pagpapasya ng Producer at Platform; Pagiging Final ng mga Desisyon

      Inilaan ng Producer at Netflix ang karapatan, batay sa sarili nilang pagpapasya, na baguhin, suspendihin, limitahan, o tapusin ang proseso ng pagboto (nang buo o bilang bahagya) kasama ang mga paraan, tagal, platform, kinakailangan sa pagiging kuwalipikado, dami ng pinapayagang boto, o paraan ng pag-score, kahit kailan at para sa anumang dahilan, mayroon man o walang abiso. Final na at susundin ang lahat ng desisyon nauugnay sa pagboto, mga resulta, mga hakbang sa pagtatama, at mga kinahinatnan nito, at hindi sasailalim sa anumang uri ng pagtatanong, apela, review, o legal na paglilitis. Kung sakaling hindi makatuwirang magkaroon ng desisyon o resulta ng mga entry dahil sa isang teknikal na isyu o para sa anupamang dahilan na wala sa makatuwirang kontrol ng Netflix o ng Producer, magpapasya ang Netflix o Producer tungkol sa resulta nito at magiging final ang desisyong ito at hindi puwedeng iapela. HIndi ituturing na proof of receipt ng entry sa Netflix ang proof of submission.

    4. Release

      Walang responsibilidad o pananagutan ang Netflix, Producer, at kanilang mga partner, subsidiary, nauugnay na entity, affiliate, successor, at assignee, at kanilang mga opisyal, director, empleyado, agent, contractor, at kinatawan (sama-samang tatawaging “Mga Ni-release a Entity”) para sa anumang uri ng pag-malfunction, error, o problema sa teknikal, hardware, software, telepono, o iba pang komunikasyon, pagkawala o hindi available na koneksyon sa network, Internet, o availability ng ISP, hindi awtorisadong pakikialam ng tao, traffic congestion, hindi kumpleto, hindi tumpak, o hindi na-record na entry o impormasyon ng pakikilahok (anuman ang dahilan) o anumang hindi naisagawa, hindi natapos, magulo, hindi nakaayos, o naantalang online transmission na posibleng naglimita sa kakayahan ng isang taong lumahok sa pagboto. Nang hindi nililimitahan ang nabanggit, walang responsibilidad ang Mga Ni-release na Entity para sa anumang pinsala, pagkawala, o pagkasira ng platform, computer, o mobile device ng kalahok o sinupamag tao na dulot ng, kaugnay ng, o nagresulta mula sa pakikilahok sa pagboto o pag-download ng anumang material na nauugnay sa pagboto o anupamang isyu na nagmula sa o may kaugnayan sa proseso ng pagboto. Walang responsibilidad ang Mga Ni-release na Entity para sa anumang pagkawala, pagkahuli, hindi mabasa, hindi natapos, invalid, hindi maintindihan, teknikal na na-corrupt, o na-misdirect na boto, na madi-disqualify.

Mga Kaugnay na Article