Paano gumamit ng mobile phone o tablet bilang controller para maglaro ng games sa Netflix
Puwedeng maglaro ang mga member ng Netflix ng games sa TV at sa computer sa Netflix.com. Depende sa platform at game, posibleng kailangan mag-connect ng phone o tablet bilang controller.
Tandaan: Kung naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa kung paano maglaro ng games sa TV, tingnan ang Maglaro ng Games sa Netflix. Kung naghahanap ka ng games na nada-download t nalalaro sa mobile device mo, tingnan ang Netflix Mobile Games.
Mga Requirement
Android phone o tablet:
Dapat naka-install ang Netflix app sa device (kung hindi, hihilingin sa iyong i-install ito kapag nag-scan ka ng QR code).
Para sa impormasyon sa pag-set up ng Netflix sa phone o tablet mo, tingnan ang Paano gamitin ang Netflix sa Android phone o tablet mo.
iPhone o iPad:
iOS/iPad OS 17 o mas bago
Dapat naka-install ang Netflix Game Controller App sa device (kung hindi, hihilingin sa iyong i-install ito kapag nag-scan ka ng QR code).
Paano i-connect ang phone o tablet mo para gamitin bilang game controller
Maglaro sa TV: Kakailanganin gumamit ng bawat player ng mobile phone o tablet bilang controller para maglaro.
Maglaro sa computer: Magagamit mo ang mobile phone o tablet mo bilang controller, o puwede kang gumamit ng keyboard at mouse.
Hindi kailangang naka-sign in ka sa anumang partikular na Netflix account sa device mo para mai-connect ito bilang controller. Hindi ise-share ang anumang data o impormasyon ng Netflix account.
Tandaan: Hindi supported ang mga physical gamepad at ibang controller sa ngayon.

Android phone o tablet:
Piliin o hanapin ang game na gusto mong laurin, at piliin ang button na Laruin ang Game.
Buksan ang camera ng Android device mo at ituro ito sa QR code sa TV o computer screen mo.
Tandaan: Baka kailanganin mong lampasan muna ang launch screen para makita ang QR code - iba-iba ito para sa bawat game.I-focus ang camera sa QR code hanggang may lumabas na link. I-tap ang link. I-download at i-install ang Netflix app kung hindi mo pa ito nagagawa.
I-scan ulit ang QR code.
Mako-connect ang phone mo bilang controller.
Maglaro na!
iPhone o iPad:
Piliin o hanapin ang game na gusto mong laurin, at piliin ang button na Laruin ang Game.
Buksan ang camera ng iPhone o iPad mo at ituro ito sa QR code sa TV o computer screen mo.
Tandaan: Baka kailanganin mong lampasan muna ang launch screen para makita ang QR code - iba-iba ito para sa bawat game. I-focus ang camera sa QR code hanggang may lumabas na link. I-tap ang link para buksan ang pop-up ng Netflix controller sa phone mo.
Mako-connect ang phone mo bilang controller.
Maglaro na!
Pag-troubleshoot
Kailangan pa ng tulong?
Kung nagkakaproblema ka pa rin o gusto mong mag-share ng feedback:
Feedback: Puwede kang magbigay ng feedback pagkatapos mong mag-exit ng game session sa pamamagitan ng mobile controller o keyboard mo.
Makipag-ugnayan sa Amin: Puwede kang makipag-ugnayan sa amin kahit kailan para makakuha ng higit pang tulong.