Hindi makita ang Mga Clip feed

Ang Mga Clip ay tuluy-tuloy na feed ng short clips mula sa mga sikat na show, pelikula, at podcast.

Kasalukuyang available ang Mga Clip sa mga Android phone at tablet, iPhone, at iPad na may pinakabagong version ng Netflix app.

Kung hindi mo nakikita ang Mga Clip sa ibabang navigation ng mobile app, o may nakikita kang error message kapag nagpupunta ka sa netflix.com/clips, baka hindi pa available sa iyo ang Mga Clip feed.

  • Tiyaking mag-update sa pinakabagong version ng Netflix app sa Android phone o tablet, iPhone, o iPad mo.

  • Posibleng hindi pa available ang Mga Clip para sa lahat ng account. Malapit na rin itong i-roll out sa kanila.

  • Walang Mga Clip sa mga Pambatang profile.

Mga Kaugnay na Article