Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. (-11853)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. (-11853)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. I-double tap ang Home button sa remote mo.

  2. Mag-swipe pakanan o pakaliwa para mag-focus sa Netflix.

  3. Mag-swipe pataas para i-force quit ang Netflix app.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang App Switcher sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa Home button. Kung walang home button ang device mo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at pindutin ito nang matagal.

  2. I-swipe pataas ang app para i-quit ito.

  3. Buksan ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Paalala:Posibleng iba ang steps na ito sa device mo. Pumunta sa support site ng Apple para sa steps para mag-quit at magbukas ulit ng app sa iPhone o iPad.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Kapag in-uninstall mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap nang matagal ang Netflix app.

  2. I-tap ang Remove app > Delete app > Delete.

  3. Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."

  4. I-tap ang Netflix, pagkatapos ay i-tap ang cloud icon para makuha ang app. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  5. Kapag naka-install na ang app, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kung hindi mo mahanap ang Netflix app pagkatapos alisin ito, sundin ang steps ng Apple para mag-download ulit ng app mula sa App Store.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article