Nagkakaproblema ako sa pag-display ng kulay sa LG TV ko.
Kung hindi nagdi-display nang tama ang mga kulay sa LG TV mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay naka-set sa Vivid mode ang Dolby Vision display mo. Para ayusin ang problemang ito, baguhin ang display mode mo at gawin itong Movie Dark para sa madidilim na lugar ng panonood, o Movie Bright para sa mas maliliwanag na kuwarto.
Karaniwang available ang setting na ito sa Picture Mode setting sa TV mo. Kung hindi ka sigurado kung paano baguhin ang setting na ito, makipag-ugnayan sa LG para magpatulong.