Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-114)'

Posibleng makuha mo ang error code na -114 kasama ng message na:

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukang i-restart ang Netflix application (-114).

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kung gumagamit ka ng Android TV/Box o Android device na kumokonekta sa TV mo, sundin ang steps sa ibaba.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Isa-sign out ka ng steps na ito sa Netflix account mo.

  1. Pumunta sa Settings app.

  2. Piliin ang Apps > See all apps > Netflix.

  3. Piliin ang Clear data.

  4. Piliin ang OK.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Isa-sign out ka ng steps na ito sa Netflix account mo.

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Sa list, hanapin at piliin ang Netflix app.

  3. Piliin ang Uninstall.

  4. Piliin ang Install, at hintayin itong matapos.

  5. Piliin ang Open, at subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Para i-uninstall ang Netflix:

  1. Gamit ang Fire TV remote mo, pindutin ang Home.

  2. Pumunta sa Netflix app, pagkatapos ay pindutin ang Options.

  3. Piliin ang Uninstall.

  4. Piliin ulit ang Uninstall para i-confirm.

Para i-reinstall ang Netflix:

  1. Gamit ang Fire TV remote mo, pindutin ang Netflix button.

  2. Piliin ang Download, pagkatapos ay piliin ang Open.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-restart ang device mo
  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article