Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa download na ito. (VC2-CV2-B23000)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Nagkaproblema sa download na ito. (VC2-CV2-B23000)

Ang ibig sabihin nito ay nalampasan mo na ang maximum na bilang ng mga device na puwedeng mag-store ng mga na-download na title nang magkakasabay. Puwede kang gumamit ng 1, 2, o 4 na device para mag-download ng mga title, depende sa plan mo. Para mag-download sa bagong device, puwede kang mag-alis ng mga na-download na title sa dati nang device o i-upgrade ang streaming plan mo.

Mag-alis ng mga na-download na title sa dati nang device

Kung tapos mo nang gamitin ang isang device para manood ng mga na-download na title, mainam kung ide-delete mo ang mga title na iyon sa device. Pagka-delete sa lahat ng na-download na title sa device, kumonnect sa internet at buksan ang Netflix app. Kapag ginawa ito, makikita ng mga system namin na hindi na ginagamit ang device para manood ng na-download na content, at puwede ka nang mag-download ng mga title sa bagong device.

Kung nawala o nasira ang device, o kung hindi ito maka-connect sa Netflix dahil sa iba pang bagay, automatic na mag-e-expire ang device pagkalipas ng 30 araw at makakapag-download ka na ng mga title sa ibang device.

Palitan ang plan mo

Kung gusto mong mag-store ng mga na-download na title sa mas maraming device, puwede kang lumipat sa supported na plan. Sa mga plan namin, puwede kang mag-stream ng content at mag-store ng mga na-download na title sa 1, 2, o 4 na device nang magkakasabay.

Mga Kaugnay na Article