Netflix Error M7121-1331

Kung nakikita mo ang error code M7121-1331 sa computer mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa browser mo. Para lutasin ang problema, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Tingnan ang mga kinakailangan sa system ng Netflix para masiguradong supported ang version ng browser mo.

Kung hindi supported ang version ng browser mo, i-update ang browser mo sa pinakabagong version o gumamit ng browser na supported ang HTML5.

Kung supported ang version ng browser mo, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

  1. Sundin ang steps ng Google para i-uninstall ang Chrome sa computer mo.

  2. Gamit ang ibang browser, sundin ang steps para i-install ang pinakabagong version ng Google Chrome.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article