Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-373)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. (-373)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa Android phone o tablet mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.

  3. Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.

  4. Mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.

    • Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Aalisin ng steps na ito ang anumang na-download na TV show o pelikula na naka-save sa device mo at isa-sign out ka sa Netflix account mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang page ng Netflix sa Play Store, i-tap ang Uninstall, tapos, i-tap ang Install.

Ire-reinstall din ng steps na ito ang app:

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Hanapin at i-tap ang Netflix app sa list.

  3. I-tap ang I-uninstall.

  4. I-tap ang I-install, at maghintay hanggang matapos ito.

  5. I-tap ang Buksan, at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article