Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.
Kung hindi ka sigurado kung may naka-on na VPN, sundin ang steps sa ibaba.
Paalala:May kasamang VPN ang ilang antivirus software na posibleng naka-on. Para alamin pa o makakuha ng tulong, makipag-ugnayan sa provider ng antivirus software mo.
Gamit ang computer o mobile device na nasa parehong network ng device na may problema, magbukas ng web browser.
Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.
Kapag natapos na ang test, i-click ang Magpakita pa ng impormasyon.
Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa.
Kung hindi nag-match ang bansa sa lokasyon mo, nangangahulugan ito na may naka-on na VPN sa device o network mo. Subukang i-off ito, at subukan ulit ang Netflix. Para sa tulong sa pag-off ng VPN, makipag-ugnayan sa VPN provider mo.
Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-off ng VPN dahil magkakaiba ang steps para sa bawat VPN app o serbisyo.
Kung hindi gumana ang pag-off ng VPN mo o nagma-match ang lokasyon sa fast.com sa lokasyon mo, pumunta sa susunod na steps.