Netflix Error C7121-1331

Kung nakikita mo ang error code na C7121-1331 sa Google Chromebook o Chromebox mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa version ng Chrome na ginagamit mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

  1. I-connect sa internet ang computer mo gamit ang Wi-Fi o Ethernet. Hindi puwedeng mag-install ng mga update habang naka-connect sa cellular network.

  2. Mag-click sa status area (sa kanang sulok sa ibaba, kung nasaan ang account picture mo).

  3. Piliin ang Settings.

  4. Piliin ang About Chrome OS sa menu sa kaliwa ng page.

  5. Piliin ang Check for and apply updates.

  6. Ii-install ng computer mo ang anumang kinakailangang update. Kapag na-install na ang mga update, piliin ang Restart to update.

  7. Pagka-restart ng computer mo, subukan ulit ang Netflix.

Babala: Kapag lumipat ka sa stable channel galing sa experimental channel, made-delete ang lahat ng nasa Chromebook mo. Kasama rito ang mga na-download na file, larawan, pahintulot ng may-ari, at naka-save na network para sa lahat ng account. Kakailanganin mong mag-sign in ulit sa Google Account mo.

  1. Mag-sign in sa Chromebook mo gamit ang account ng may-ari.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.

  3. Piliin ang Settings.

  4. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang About Chrome OS.

  5. Piliin ang Additional details.

  6. Sa tabi ng "Channel," piliin ang Change channel.

  7. Piliin ang Stable.

  8. Piliin ang Change channel.

  9. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Mag-click sa status area sa kanang sulok sa ibaba, kung nasaan ang account picture mo.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang About Chrome OS sa itaas ng page para makita ang version mo.

    • Kung version 68.0.3440.117 o mas luma ang ginagamit mo, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa tulong sa pag-update sa version ng Chrome mo sa 68.0.3440.118 o mas bago. Kung hindi mo maa-update ang Chrome mo, kakailanganin mong gumamit ng ibang device na puwedeng pang-Netflix para patuloy na makapag-stream.

    • Kung version 68.0.3440.118 o mas bago ang ginagamit mo at nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa Customer Service ng Netflix para matulungan kaming magsiyasat.

Mga Kaugnay na Article