Netflix Error U7361-1253-80070057

Kung nakikita mo ang error code na U7361-1253-80070057 sa Windows 10 computer mo, karaniwang dahil ito sa problema sa naka-store na impormasyon o settings sa device. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

I-disable ang audio enhancements

  1. Sa Windows Start menu sa computer mo, i-click ang Settings gear icon ng settings.

  2. I-click ang System.

  3. Mula sa kaliwa, i-click ang Sound.

  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Sound Control Panel.

  5. Sa lalabas na Sound window, i-click ang device na may berdeng check mark.

  6. I-click ang Properties.

  7. I-click ang Enhancements tab.

  8. Siguraduhing naka-on ang Disable all enhancements.

    • Kung hindi mo nakikita ang Enhancements tab, o kung naka-on na ang Disable all enhancements, magpatuloy sa susunod na step sa ibaba.

Ang susunod na gagawin

Nire-research namin ang error na ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa Customer Service ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article