Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa device. (500.-115)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Nagkaproblema sa device. Pakisubukan ulit. (500.-115)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa Android phone o tablet mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Isara at buksan ulit ang app
  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang I-force stop > OK.

  4. Buksan ulit ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Tandaan:
Posibleng iba ang steps para i-quit at buksan ulit ang app sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Mga Kaugnay na Article