Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa device. (501.-117)'
Kung may nakikita kang error na nagsasabing
Nagkaproblema sa device. Paki-restart ang device mo at subukan ulit. (501.-117)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa Android phone o tablet mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit
I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.
I-on ito ulit.
Subukan ulit ang Netflix.