Sabi ng Netflix, 'Hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-115)'

Kung may natatanggap kang error na nagsasabing:

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Subukang i-restart ang Netflix application. (-115)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Amazon Fire TV/Stick

I-restart ang device mo
  1. Sa Amazon Fire TV remote mo, pindutin ang Home button.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang My Fire TV.

    • Kung hindi mo nakikita ang My Fire TV, piliin ang System o Device.

  4. Piliin ang Restart.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Smart TV

I-restart ang device mo
  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Lahat ng iba pang device

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article