Hindi gumagana ang mga kontrol ng player sa Chromecast

Kung hindi na tumutugon ang mga kontrol ng player sa mobile device mo kapag nagka-cast ka sa Chromecast mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang data sa device mo. Sundin ang steps para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. I-tap ang Profile mo, at i-tap ang ibang profile para lumipat doon.

  4. Sundin ang steps sa itaas para bumalik sa orihinal na profile.

  5. Subukan i-cast ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang I-force stop > OK.

  4. Buksan ulit ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Tandaan:Posibleng iba ang steps para i-quit at buksan ulit ang app sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. I-tap ang icon ng Profile mo , at i-tap ang ibang profile para lumipat doon.

  3. Sundin ang steps sa itaas para bumalik sa orihinal na profile.

  4. Subukan i-cast ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang App Switcher sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa Home button. Kung walang home button ang device mo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at pindutin ito nang matagal.

  2. I-swipe pataas ang app para i-quit ito.

  3. Buksan ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Paalala:Posibleng iba ang steps na ito sa device mo. Pumunta sa support site ng Apple para sa steps para mag-quit at magbukas ulit ng app sa iPhone o iPad.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article