Netflix Error -11800

Kung nakikita mo ang error code na -11800, na madalas na sinusundan ng isa sa mga sumusunod na message:

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit mamaya o pumili ng ibang item. Pumunta sa www.netflix.com/support para sa higit pang impormasyon.

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Puwede itong mangyari kung may problema sa domain name system (DNS) server kung saan nakakonekta ang device mo. Para sa tulong sa pag-aayos ng problema sa DNS, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong Internet service provider (ISP).

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, hilingin sa kanilang:

  • Tiyaking kaya kumonnect ng iyong device sa mga Netflix address na ito:

    • secure.netflix.com

    • appboot.netflix.com

    • uiboot.netflix.com

    • fast.com

  • Tingnan kung may ma problema sa DNS sa modem o router mo, sa device mo, o sa mga DNS server nila.

  • Subukan ang ibang DNS server para malaman kung maaayos nito ang problema.

Pagkatapos mong kausapin ang ISP mo, inirerekomenda naming subukan ulit ag Netflix para siguraduhing naayos na ang problema.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article