Netflix Error OF.NA.6

Kung nakikita mo ang error code na OF.NA.6 sa Android phone o tablet mo, na madalas na may isa sa mga sumusunod na message:

Mga Kinakailangan sa Seguridad para sa Pag-download
Para makapag-download ng mga TV show at pelikula, kakailanganin mong gumamit ng ibang device. (OF.NA.6)
Hindi natutugunan ng device na ito ang mga kinakailangan sa seguridad para sa feature na pag-download. (OF.NA.6)

Ang ibig sabihin nito ay hindi supported sa device mo ang feature na pag-download. Dahil maraming device na may iba't ibang kakayahan ang gumagamit ng Android OS, may ilang partikular na Android device na hindi compatible sa feature na pag-download. Kung gusto mong mag-download ng mga TV show o pelikula mula sa Netflix, kakailanganin mong gumamit ng ibang device. Tingnan ang aming article tungkol sa mga pag-download para alamin pa.

Mga Kaugnay na Article