Hindi ako makapag-store ng mga download sa SD card ko sa Android ko.

Kung wala kang option na i-store ang mga na-download na TV show o pelikula sa SD card mo sa Android phone o tablet mo, karaniwang dahil ito sa isyu sa mismong SD card mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

  1. Buksan ang Settings app ng device mo.

  2. I-tap ang Storage & USB.

  3. I-tap ang Eject.

  4. I-off ang phone mo.

  5. Depende sa device mo, alisin ang SD card tray o back cover. (Kung kailangan, iangat ang latch na nagpapanatili ng SD card sa puwesto nito.)

  6. Alisin sa slot ang SD card.

  7. Ibalik sa slot ang SD card. (Kung may iniangat kang latch, pindutin ito pababa.)

  8. I-on ulit ang phone mo, buksan ang Netflix app, at subukang i-download ulit ang title mo.

Subukang gumamit ng ibang SD card sa device mo. Kung makakapag-store ka ng na-download na mga TV show at pelikula sa ibang SD card, baka may problema sa orihinal na SD card mo at kailangan itong i-format o palitan. Para sa tulong sa pag-format ng SD card mo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Kung nagawa mo na ang steps sa itaas pero hindi ka pa rin makapag-store ng mga download sa SD card mo, baka hindi supported ng device o SD card mo ang feature na ito at kailangan mong gumamit ng internal storage para mag-download ng mga title mula sa Netflix.

Mga Kaugnay na Article