Netflix Error U7361-1254-8889000F
Pasensya na, pero nagkakaproblema kami sa request mo.
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.
Para ayusin ang problema:
I-shut down ang computer mo
I-shut down ang computer mo gamit ang menu:
Para sa Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu > Shut Down.
Para sa Windows: Mula sa Start menu, i-click ang Power > Shut down.
Para sa Chromebook: Mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras > Sign out > Shut down.
Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.
I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.
Mag-update ng Windows
Pindutin ang Windows Key sa keyboard.
Piliin ang Settings .
Piliin ang Update & security.
Iche-check ng Windows kung may mga update. Kung hindi, piliin ang Check for updates.
Kapag na-install na ang mga update, i-restart ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.
I-update ang audio driver ng computer mo
Para maayos ang problema, puwede mong:
Tingnan sa website ng manufacturer ng computer mo ang steps sa pag-update o pag-install ng audio driver na compatible sa version mo ng Windows.
Sundin ang steps ng Microsoft sa manual na pag-update sa audio driver mo.
Subukang manood ng Netflix sa supported na web browser.
Kung hindi gagana ang steps na ito o kung nangyayari pa rin sa iyo ang parehong problema sa web browser, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong sa pag-troubleshoot ng problema sa audio driver.
Ang susunod na gagawin
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.