Netflix Error H403
Kung nakikita mo ang error code na H403 sa Windows 10 computer mo, na madalas na sinusundan ng message na ito:
Pasensya na, nagkakaproblema sa pakikipag-communicate sa Netflix. Pakisubukan ulit.
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa computer mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
Mag-sign in sa ibang device
Para matukoy ang isyu mo, mag-sign in sa Netflix sa ibang device na nasa parehong network kung nasaan ang computer mo.
Kung makakakita ka ng error code o error message kapag nag-sign in ka, gumawa ng mga pagbabago sa account mo, o subukang manood, nangangahulugan itong hindi nagko-connect ang Netflix account. Pakisubukan ulit mamaya.
Kung wala kang makikitang error code o error message, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.
I-uninstall at i-reinstall ang Netflix app
I-uninstall ang Netflix app
Mula sa Start menu, i-type ang Netflix.
Mag-right-click sa o i-tap at i-hold ang Netflix app.
May lilitaw na popup. Piliin ang Uninstall.
Piliin ulit ang Uninstall.
I-reinstall ang Netflix app
Mula sa Start menu, piliin ang Store.
Piliin ang Search mula sa itaas na kanang sulok ng screen.
I-type ang Netflix sa search box at pindutin ang Enter.
Piliin ang Netflix mula sa mga resulta.
Piliin ang Install.
Kapag hiniling na mag-sign in ka, mag-sign in gamit ang Microsoft information mo.
Kapag na-install na, i-launch ang app at subukan ulit ang Netflix.