Netflix Error S7381-1204
Kung nakikita mo ang error code na S7381-1204 sa Mac computer mo, na madalas na may kasamang ganitong message:
Naku, nagkaproblema...
Hindi Inaasahang Error
Nagkaroon ng hindi inaasahang error. Paki-reload ang page at subukan ulit.
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa computer mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
I-shut down ang computer mo gamit ang menu:
Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.
Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.
Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.
Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.
I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.