Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa download na ito. (DLS.2)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Nagkaproblema sa download na ito. (DLS.2)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa Android mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

  1. Mula sa Android home screen, pumunta sa Settings.

  2. Piliin ang Connections.

    • Kung hindi mo nakikita ang Connections, magpatuloy sa susunod na step.

  3. Piliin ang Wi-Fi.

  4. Piliin ang network kung saan ka naka-connect ngayon.

  5. Piliin ang Forget.

  6. Kapag hindi na naka-connect ang network, i-connect ulit ito sa gusto mong network.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung i-clear mo ang data ng Netflix app mo, aalisin ang anumang TV show o pelikula na na-download mo sa device mo. Isa-sign out ka rin sa account mo. Tiyaking malapit sa iyo ang password mo.

  1. Hanapin ang Netflix app sa Android device mo.

  2. I-tap nang matagal ang app icon, tapos, i-tap angApp info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan: Baka iba ang esksaktong steps para sa device mo. Tingnan ang manual ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa nito para sa pinaka-up-to-date na instructions.

Mga Kaugnay na Article