Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. (30103)'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. (30103)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyon sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Kailan mo nakikikta ang error message na ito?

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Siguraduhing supported ang video adapter mo

  1. Alisin ang lahat ng cable na naka-connect sa adapter, pagkatapos ay i-connect ito sa iPhone o iPad mo.

  2. Pumunta sa Settings > General > About > Apple HDMI Adapter.

  3. I-check ang Model Number.

Para sa mga problema sa mga iPhone o iPad device na may USB-C port, posibleng makatulong ang mga option na ito:

  • Siguraduhing naka-set sa tamang video input source ang TV o display mo.

  • Siguraduhing sinu-support ng video cable o adapter mo ang HDCP 2.2.

  • Subukang pagpalitin ang mga dulo ng video cable o adapter.

  • Kung posible, subukang mag-connect sa ibang video port sa TV o display mo.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download.

  2. Sa tabi ng TV show o pelikula, i-tap ang icon ng status ng download .

  3. I-tap ang I-delete ang Download.

  4. Subukang i-download ulit ang TV show o pelikula.

Mga Kaugnay na Article