Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-2)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. Kung may problema pa rin, pumunta sa website ng Netflix (-2).

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Pumunta sa Netflix.com sa web browser
  1. Gamit ang ibang computer o mobile device, kumonnect sa Wi-Fi o network kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser, pagkatapos ay pumunta sa netflix.com/clearcookies at mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung nakikita mo ang error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa serbisyo ng Netflix sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya.

    • Kung wala kang makikitang error sa browser mo habang ginagawa ang step na ito, posibleng may ibang problema. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Kung nararanasan mo ang error na ito sa Android TV-based streaming media player o smart TV, siguraduhing na-install mo ang Netflix app mula sa Google Play Store.

Kung hindi mo nakikita ang Netflix app sa Google Play Store, hindi compatible ang device mo sa Netflix, at kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapag-stream.

Mga Kaugnay na Article