Sabi ng Netflix, 'Nakakaranas kami ng mga teknikal na problema at inaayos na namin ito ngayon.'

Kung may nakikita kang message kapag sinusubukan mong mag-sign in sa Netflix.com na nagsasabing

Nakakaranas kami ng mga teknikal na problema at inaayos na namin ito ngayon. Pakisubukan ulit pagkalipas ng ilang minuto.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa proseso ng pag-sign in. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-verify ang email at password mo

Siguraduhing tama ang email at password na inilagay mo bago subukang mag-sign in ulit. Kung hindi ka pa rin makapag-sign in, patuloy na mag-troubleshoot sa ibaba.

I-clear ang cookie ng Netflix

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Subukan ulit mamaya

Kung hindi ka pa rin makapag-sign in, maghintay at subukan ulit mamaya.

Mga Kaugnay na Article