Netflix Error H3-U7135-1103-403

Kung nakikita mo ang error code na H3-U7135-1103-403 sa Windows 10 computer mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Pasensya na, nagkaproblema sa pakikipag-ugnayan sa Netflix. Pakisubukan ulit.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mag-sign in sa ibang device

Para matukoy ang isyu mo, mag-sign in sa Netflix sa ibang device na gumagamit ng parehong network kung nasaan ang computer mo.

Tandaan:
Kung naka-sign in ka na sa ibang device, mag-sign out muna sa Netflix, pagkatapos ay mag-sign in ulit.
  • Kung may nakita kang error kapag nag-sign in ka o sinubukan mong manood sa device na iyon, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa serbisyo ng Netflix sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya.

  • Kung wala kang nakitang error pero hindi ka makapanood sa device na iyon, makipag-ugnayan sa customer service.

Mga Kaugnay na Article