Impormasyon ng Support para sa mga Internet Service Provider (ISP)
Ang article na ito ay para sa mga empleyado o kinatawan ng mga Internet Service Provider (ISP). Kung Netflix member ka at kailangan mo ng tulong sa account mo o sa isyu sa pag-stream, pumunta sa page ng pangunahing Help Center namin o makipag-ugnayan sa amin.
Nagbibigay ang Netflix ng direktang support sa mga ISP na nagre-report ng mga teknikal na isyung nakaaapekto sa kakayahan ng mga customer na gamitin ang Netflix, kabilang ang:
Maling natutukoy ang mga IP address o range bilang proxy o VPN traffic
Ang malawakang mga error na nauugnay sa network ay nakaaapekto sa kakayahan ng mga customer na gamitin ang Netflix
Hindi nakikita ng mga Netflix member ang mga title, plan, o paraan ng pagbabayad na available dapat sa kanilang rehiyon
Nakikita ng mga customer na hindi available sa kanilang rehiyon ang ilang Netflix title, plan, o paraan ng pagbabayad
Kung may aktibong Open Connect partnership ang kompanya mo, ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng support ay mag-sign in sa aming Partner Portal at gumawa ng ticket o makipag-ugnayan nang direkta sa Netflix partner mo.
Kung hindi Open Connect partner ang kompanya mo (o kung hindi mo sigurado), puwede kang mag-submit ng support request. Para tulungan kaming mabilis na makapag-imbestiga, magbigay ng detalyadong paglalarawan sa isyu at ilagay ang lahat ng impormasyong hinihiling sa form.
Kung kulang sa kinakailangang impormasyon ang request mo, hindi nauugnay sa mga isyung nabanggit sa itaas, o wala kang awtorisasyong mag-submit ng request para sa isang ISP, isasara ang request mo at walang gagawing aksyon.
May open network peering policy ang Netflix. Para alamin pa o mag-submit ng request, tingnan ang aming peering guidelines at PeeringDB record.
Mga kaugnay na article