Nagpe-play pa rin ang audio sa background pagkatapos i-lock o i-off ang screen
Sa mga Android mobile device, iPhone, at iPad, kapag ini-lock o ini-off mo ang screen (halimbawa, pinindot mo ang side button) habang nagpe-play ang title, ipe-play pa rin ng Netflix app ang audio ng title sa background.
Tandaan: Ang background audio playback ay hindi available sa experience na may ads.
Para hindi mag-play ang audio sa background, i-pause ang title bago i-lock ang device o i-off ang screen.
Para pahintuin ang audio na nagpe-play na sa background, puwede mong:
I-unlock ang device mo, buksan ang Netflix app, at i-pause ang title.
I-tap ang screen o pindutin ang wake/sleep button, saka pindutin ang Pause button sa player.