Netflix Error 3-5006

Kung nakikita mo ang error code na 3-5006, na madalas na may ganitong message:

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit mamaya o pumili ng ibang item. Pumunta sa www.netflix.com/support para sa karagdagang impormasyon.
Ginagamit sa masyadong maraming device ang Netflix account mo. Ihinto ang pag-play sa iba pang device para magpatuloy. Pumunta sa netflix.com/help para sa iba pang impormasyon.

Naabot na ng Netflix account mo ang limitasyon sa mga active na stream. Dalawa ang karaniwang dahilan nito:

Kung ipinapahiram mo ang Netflix account mo sa mga kaibigan o kapamilya, baka ginagamit nila ang Netflix habang sinusubukan mong manood. Nakadepende sa Netflix plan mo kung ilang user ng account ang puwedeng mag-stream nang sabay-sabay. Makikita mo ang limitasyon sa account mo, pati na rin ang iba pang option sa plan, sa page na Magpalit ng Plan.

Solusyon: Siguraduhing walang ibang gumagamit ng account mo bago ulit subukang mag-stream.

Kung hindi ka sigurado sa kung aling ibang device ang nagsi-stream, tingnan ang bago mong Activity sa Panonood. (Kung marami ang profile sa account mo, siguraduhing titingnan mo ang Activity sa Panonood ng bawat isa). Kung may makita kang kahit anong hindi mo nakikilala, sundin ang steps namin sa May gumagamit ng Netflix account ko nang walang pahintulot ko.

Nade-detect ng Netflix na huminto ang playback kapag nakatapos ka ng TV show o pelikula o kung pipindutin mo ang Stop sa Netflix player. Kung mapuputol ang playback dahil sa problema sa connectivity o kuryente habang may nagsi-stream pang title, baka hindi matanggap ng Netflix ang message na huminto ang playback. Sa ganoong sitwasyon, hahantong sa isa pang Netflix stream ang pagsubok na mag-play ulit ng pelikula o TV show, na bibilangin sa limitasyon mo sa stream.

Solusyon: Mawawala nang kusa ang error message, pero puwede itong abutin nang hanggang 2 oras.

Mga Kaugnay na Article