Netflix Error 3.1

Nagkakaproblema kami sa pag-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit mamaya o sumubok ng ibang network connection. (3.1)

Kapag may ganitong error, may problema sa network connection o setting ng Android phone o tablet mo kaya hindi nagpe-play ang Netflix.

Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

Subukang gumamit ng ibang app na kumo-connect sa internet para i-test ang connection ng device mo. May available na network test sa mga setting sa ilang device.

Kung hindi gagana ang ibang app o may matatanggap kang error sa network, karaniwan itong nangangahulugan na hindi naka-connect ang device mo.

Paalala:Dahil madalas na magkakaiba ang steps para kumonnect sa internet o mag-troubleshoot ng isyu sa network depende sa device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pagsunod sa steps para sa device mo.

Para makuha ang steps sa pag-connect para sa device mo:

  • Tingnan ang instructions o manual na kasama ng device mo.

  • Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para sa tulong sa pag-connect ng device mo sa internet.

Kung naka-connect ang device mo at nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, pumunta sa susunod na steps.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Puwedeng hindi na gumana ang Netflix kung hindi tugma ang mga setting ng petsa o oras sa kasalukuyang oras at lokasyon mo.

  1. Buksan ang settings ng Android.

  2. Hanapin ang Date & time.

  3. Siguraduhing naka-set ito sa automatic o use network-provided time/time zone.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article