Sabi ng Netflix, 'Nagka-error ang Netflix.'

Kung nakikita mo ang isa sa mga sumusunod na error:

Nagka-error ang Netflix. Sinusubukang tukuyin ang problema.

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] seconds.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang isyu.

Tingnan kung kayang mag-Netflix sa network mo

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.

Subukang gumamit ng ibang app na kumo-connect sa internet para i-test ang connection ng device mo. May available na network test sa mga setting sa ilang device.

Kung hindi gagana ang ibang app o may matatanggap kang error sa network, karaniwan itong nangangahulugan na hindi naka-connect ang device mo.

Paalala:Dahil madalas na magkakaiba ang steps para kumonnect sa internet o mag-troubleshoot ng isyu sa network depende sa device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pagsunod sa steps para sa device mo.

Para makuha ang steps sa pag-connect para sa device mo:

  • Tingnan ang instructions o manual na kasama ng device mo.

  • Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para sa tulong sa pag-connect ng device mo sa internet.

Kung naka-connect ang device mo at nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, pumunta sa susunod na steps.

Para i-check ang bilis ng connection mo gamit ang Netflix app sa device mo, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Suriin ang Network mo.

    Paalala:Kung hindi mo makita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at piliin ang Settings.

  3. Ive-verify ng Netflix app kung nakaka-connect ka sa internet at nakakarating ka sa Netflix. Iche-check din nito ang bilis ng connection mo.

  4. Kapag tapos na ang test, siguraduhing pasok ang bilis mo sa mga rekomendasyon ng Netflix sa bilis ng internet.

  1. I-off o bunutin sa saksakan ang smart TV mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.

  4. I-on ulit ang smart TV at subukan ulit ang Netflix.

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article