Netflix Error UI3012

Kung nakikita mo ang error code na UI3012 sa computer mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Naku, nagkaproblema...
Hindi Inaasahang Error
Nagkaroon ng hindi inaasahang error. Paki-reload ang page at subukan ulit.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa computer mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


Sa step na ito, siguraduhing hahayaan mong naka-off ang computer mo at sabay-sabay na hindi nakasaksak ang lahat ng home network equipment mo nang 30 segundo bago mo isaksak ulit ang bawat device nang paisa-isa.

  1. I-off ang computer mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at hintaying bumalik sa normal ang mga indicator light. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at hintaying bumalik sa normal ang mga indicator light.

  4. I-on ulit ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.

Tablet and modem show succesful Wi-Fi connection

Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article