Netflix Error O7037-1101
Kung makikita mo ang error code na O7037-1101 sa computer mo, na madalas na may kasamang ganitong message:
Pasensya na sa abala
Nagkakaproblema kaming paganahin ang Netflix. Paki-check ang internet connection mo at subukan ulit.
Karaniwan itong nangangahulugang may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.