Sabi ng Netflix, 'Nakaranas ang Netflix ng isyu sa account mo.'

Kung nakikita mo ang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing:

Nakaranas ang Netflix ng isyu sa account mo. Mag-sign in ulit.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang data na naka-store sa device mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.

  3. Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.

  4. Mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.

    • Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.

Kung may natanggap kang bagong email mula sa Netflix na nagsasabing ni-reset namin ang password mo, sundin ang steps na ito para ma-access mo ulit ang account mo.

Kung walang kang natanggap na bagong email mula sa Netflix, ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article