Anong personal information ang hawak ng Netflix tungkol sa iyo at paano mag-request ng kopya
Gamitin ang article na ito para alamin ang tungkol sa kung anong personal information ang hawak ng Netflix tungkol sa iyo at kung paano mag-request ng kopya (kilala rin na “request na mag-access ng subject” sa ilang rehiyon).
Ako ang may-ari ng account. Anong impormasyon ang puwede kong makita tungkol sa Netflix account ko?
Sa Account page, maa-access mo ang impormasyong gaya ng:
Impormasyon ng account - impormasyon ng may-ari ng account na ibinigay mo sa Netflix, tulad ng email at phone number (available sa Membership at Billing o Seguridad), pati na ang impormasyon ng napiling plan (available sa Mga Detalye ng Plan o Membership).
Settings ng notification - mga preference mo pagdating sa mga komunikasyon ng Netflix na gusto mong matanggap (available sa profile sa Settings ng notification).
Privacy and Data Settings - mga preference mo pagdating sa:
Matched Identifier Communications - mga preference mo pagdating sa mga aktibidad sa marketing ng Netflix sa mga serbisyo ng third party (available sa profile sa Privacy and data settings).
Behavioral Advertising - kung naka-subscribe ka sa subscription plan na may ads, ang mga preference mo pagdating sa kung gusto mong piliin ang mga Advertisement (ayon sa inilalarawan sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Netflix) batay sa behavioral advertising (available sa profile sa Privacy and data settings, maliban sa mga Pambatang profile, kung saan walang behavioral advertising).
Impormasyon sa Pagbabayad at Billing – detalye sa pagbabayad na ibinigay mo sa Netflix at impormasyon tungkol sa mga siningil namin o sinubukang singilin sa paraan mo ng pagbabayad para sa subscription mo (available sa Membership at Billing o Membership).
Mga Profile - mga detalye ng kahit anong profile na ginawa sa loob ng Netflix account mo, kasama ang mga preference sa playback (available sa profile sa Profile at Mga Kontrol ng Magulang o Mga Profile).
History ng Interaction sa Content - history ng iyong Activity sa panonood at impormasyon tungkol sa mga interaction mo sa mga content title sa Netflix, tulad ng mga pelikula at TV show na na-rate mo (available sa profile sa Activity sa panonood).
Access & device information - nagpapakita sa iyo ng mga detalye tungkol sa mga naka-sign in na device na naging aktibo sa account sa nakaraang 90 araw.
Ako ang may-ari ng account. Paano ako makakakuha ng kopya ng data na mayroon ang Netflix tungkol sa akin?
Pumunta sa https://www.netflix.com/account/getmyinfo at sundin ang instructions.
Puwedeng abutin nang hanggang 30 araw mula sa petsa na na-verify ang request mo bago magawa ang ni-request na impormasyon. Kung mayroon kang kahit anong problema, makipag-ugnayan sa privacy@netflix.com.
Hindi ako ang may-ari ng account, pero pinapagamit sa akin ng may-ari ng account ang Netflix account niya at idinagdag ko ang email address ko sa profile na ginagamit ko. Paano ako makakakuha ng kopya ng data na mayroon ang Netflix tungkol sa akin?
Kung ibinigay mo ang email address mo kaugnay ng isang profile (iba pang impormasyon), puwede kang makipag-ugnayan sa privacy@netflix.com para humingi ng kopya ng personal information mo.
Pakitandaang aabisuhan ang may-ari ng account tungkol sa request mo.
Puwedeng abutin nang hanggang 30 araw mula sa petsa na na-verify namin ang identity mo bago magawa ang ni-request na impormasyon.
Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.