Sabi ng Netflix, 'Mag-sign in ulit.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Mag-sign in ulit.
Na-sign out ka dahil nagbago ang impormasyon ng account mo.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Mahahanap mo ang option na i-update ang iPhone o iPad mo sa pinakabagong version ng iOS o iPadOS sa Settings app. Para makuha ang eksaktong steps para i-update ang device mo o para ayusin ang isang problema sa pag-update, sundin ang steps ng Apple para i-update ang iPhone o iPad mo.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article