Nakatanggap ako ng email na nagsasabing may bagong pag-sign in sa account ko.

Gusto ka naming tulungang mapanatiling ligtas ang account mo, kaya nag-i-email kami sa iyo sa tuwing may bagong pag-sign in sa Netflix account mo mula sa bagong device. Posibleng hindi tugmang-tugma ang lokasyon ng pag-sign in sa kasalukuyan mong lokasyon dahil batay ito sa IP address na ginagamit ng device mo, at ang ipinakikitang oras ay ang lokal na oras ng bagong pag-sign in.

Kung hindi mo nakikilala ang pag-sign in na ito, inirerekomenda naming magpalit ka agad ng password mo. Para palitan ang password mo, puwede kang magpadala sa sarili mo ng password reset email o text (SMS) message.

Sumangguni sa Paano panatilihing secure ang account mo para sa mas maram pang tip para mapanatiling ligtas ang impormasyon mo.

Mga Kaugnay na Article