Netflix Error 15001

Kung nakikita mo ang error code na 15001 habang sinusubukang buksan ang Netflix app sa Android phone o tablet mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyon sa device na kailangang i-refresh. Baka kailangan ding i-update ang software ng device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Puwedeng hindi na gumana ang Netflix kung hindi tugma ang mga setting ng petsa o oras sa kasalukuyang oras at lokasyon mo.

  1. Buksan ang settings ng Android.

  2. Hanapin ang Date & time.

  3. Siguraduhing naka-set ito sa automatic o use network-provided time/time zone.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Puwede mong i-update ang OS (operating system) ng Android device mo sa Settings app. Puntahan ang support site ng Google para makuha ang eksaktong steps o mag-troubleshoot ng isyu.

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article