Sabi ng Netflix, 'Error sa Network. Pinili mong mag-playback sa Wi-Fi lang. (40101)'
Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing
Error sa Network
Pinili mong mag-playback sa Wi-Fi lang. Pumunta sa Mga Setting ng App para baguhin. (40101)
Ang ibig sabihin nito ay naka-disable ang paggamit ng cellular data sa Netflix app. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
Kumonnect sa Wi-Fi network
Sa iOS home screen, piliin ang Settings.
Piliin ang Wi-Fi.
Pumili ng network.
Kapag naka-connect ka na sa network, subukan ulit ang Netflix.
Kung walang available na network, kailangan mong i-adjust ang mobile data setting mo mula sa Wi-Fi Only at baguhin sa ibang setting para mag-stream.