Sabi ng Netflix, 'Nagkakaproblema kami sa pag-access sa mga title na ito para sa iyo sa ngayon.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Nagkakaproblema kami sa pag-access sa mga title na ito para sa iyo sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo para ayusin ang isyu.

Kung ang error message ay sinusundan ng error code, i-search sa Help Center namin ang error code (halimbawa, "ui-1111").

Mag-sign out sa Netflix
  1. Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button sa remote mo para pumunta sa menu.

  2. Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Piliin ang Higit Pang Detalye.

  2. Piliin ang Mag-sign out o I-reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article