Sabi ng Netflix, '1 beses na lang mada-download ang title na ito.'
Kung may nakikita kang error sa iPhone o iPad mo na nagsasabing
1 beses na lang mada-download ang title na ito.
Ang ibig sabihin nito ay malapit mo nang maabot ang maximum na dami ng mga download para sa isang partikular na TV show o pelikula.
May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon bawat account.
Puwede mong piliin ang I-download para i-confirm na gusto mong i-download ang TV show o pelikula, pero hindi mo na ulit mada-download iyon sa loob ng hanggang isang taon. Kung gusto mo nang panoorin ang TV show o pelikula, kakailanganin mong kumonnect sa internet at i-stream ito. O kaya naman, puwedeng pumili ka na lang ng ibang TV show o pelikula na ida-download.