Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya (NSURL:1200;).'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod mo na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. (NSURL:1200;)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


  1. I-tap ang Settings icon sa Home screen.

  2. I-tap ang General.

  3. I-tap ang Date & Time.

    • Kung mali ang petsa at oras, i-tap ang ang petsa o oras para i-adjust ito, o I-on lang ang field na Set Automatically.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article