Netflix Error tvq-pb-101 (E100)

Posibleng makuha mo ang error code tvq-pb-101 (E100) o tvq-pb-101 (2.10.0) kasama ng mensaheng:

Hindi available para mapanood agad ang title na ito. Subukan ang ibang title.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Nangyayari lang ang error na ito sa mga Android device, tulad ng Android TV, mga streaming media player, o set-top box.

Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, ibig sabihin, hindi supported ng Netflix ang device mo.

Para patuloy kang makapanood sa Netflix, kailangan mong gumamit ng ibang device.

I-restart ang device mo
  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na available ang Netflix sa Google Nexus Player.

Mae-enjoy mo pa rin ang Netflix sa maraming TV at streaming device pati na rin sa mga phone, tablet, at computer. Para mag-browse ng listahan, pumunta sa page ng mga supported naming device.

Mga Kaugnay na Article