Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (12002)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing:

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. Kung magpapatuloy ang problema, pumunta sa website ng Netflix (12002).

Ibig sabihin nitong kailangang i-update ang Android phone o tablet mo. Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Gumagana lang ang Netflix Mobile Plan sa mga device na may Android 7 o mas bago.

Para alamin ang version ng Android mo:

  1. Buksan ang Settings app.

  2. Piliin ang About phone o About tablet.

  3. Hanapin ang number sa Android version.

Tandaan: Posibleng mag-iba ang steps depende sa version o manufacturer. Kung hindi mo mahanap ang version number ng Android mo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa tulong.

Kung 4.4.4 o mas luma ang version ng Android mo, kakailanganin mong mag-update sa mas bagong version para patuloy na manood sa plan na Mobile Only. Puwede mong palitan ang plan mo kahit kailan sa pamamagitan ng pagpunta sa seksyon na Mga Detalye ng Plan ng Account page mo.

Kung 7 o mas bago ang version ng Android mo, o wala ka sa plan na Mobile Only, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article