Hindi makapag-sign in sa Netflix

Kung makakalimutan mo o hindi mo ma-access ang email o password mo sa Netflix, tingnan ang instructions sa ibaba para sa iPhone, iPad, at iPod touch.

I-check ang email at password mo

Tandaan:
Case-sensitive ang mga password sa Netflix.
  1. Siguraduhing tama ang email mo at ayusin ang anumang error o typo.

  2. Ilagay ang password mo, at i-tap ang Ipakita para siguraduhing tama ito.

  3. I-tap ang Mag-sign In.

Kung sinasabi ng Netflix na, "Invalid na Email", subukang gamitin ang phone number at password mo para mag-sign in.

Kung hindi iyon gagana, pumunta sa susunod na steps.

Alisin ang mga naka-save na password sa iCloud Keychain

Kung gumagamit ka ng iCloud Keychain para mag-save ng mga password sa Apple account mo, baka kailangan mong alisin sa Keychain ang impormasyon mo sa Netflix. Kung kailangan mo ng tulong, makipag-ugnayan sa Apple Support.

I-reset ang password mo

Sa Netflix app, i-tap ang I-recover ang Password at i-reset ang password mo gamit ang email o text message.

Paalala:
Kung pipiliin mo ang Mag-sign out sa lahat ng device, posibleng umabot nang hanggang 8 oras bago tuluyang ma-disconnect ang lahat ng device na naka-sign in sa account mo.

Kung hindi ka pa rin makapag-sign in pagkatapos i-reset ang password mo, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Mga Kaugnay na Article