Sabi ng Netflix, 'Hindi magagamit ang account mo sa lokasyong ito'

Kung nakikita mo ang error code na E114 o ang message na ito:

Hindi magagamit ang account mo sa lokasyong ito.

Ang ibig sabihin nito ay baka may problema sa account mo. Para ayusin ang problema, sundin ang naaangkop na option.

Makipag-ugnayan sa amin para sa tulong sa problemang ito.

Makipag-ugnayan sa amin para sa tulong sa problemang ito.

Kung hindi mo ginawa ang account mo sa mismong Netflix o kung binili o natanggap mo ang account mo sa hindi authorized na retailer, kakailanganin mong mag-sign up para sa bagong account sa mismong bansa kung saan mo ito gagamitin. Para malaman kung aling mga option sa pagbabayad ang available sa bansa mo, pumunta sa Paano magbayad ng Netflix.

Paalala:Ang balance ng account na binayaran gamit ang Netflix Gift Card ay hindi nare-refund at hindi puwedeng ilipat sa bagong account sa bansa mo.

Kung direkta kang nag-sign up para sa Netflix o nakuha mo ito mula sa authorized na source at binabayaran mo ang Netflix subscription mo sa bansa kung nasaan ka sa kasalukuyan, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong sa pag-aayos ng problemang ito.

Mga Kaugnay na Article