Hindi ma-on ang audio descriptions

Kung hindi mo ma-on ang mga audio description, karaniwang nangangahulugan ito na may setting sa device mo na kailangang palitan.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

I-on ang Descriptive Audio

  1. Piliin ang Settings sa home screen ng device mo.

  2. Piliin ang General > Accessibility > Audio Descriptions.

  3. Palitan ang setting sa On.

  4. Bumalik sa Netflix app at simulang mag-play ng isang pelikula o TV show.

  5. Habang nagpe-play ang pelikula o TV show, mag-swipe pababa sa Apple TV remote.

  6. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang Audio.

  7. Piliin ang Audio Description, at pagkatapos ay piliin ang Done.

  8. I-play ang pelikula o TV show mo nang kahit 5 minuto para ma-save ang setting na ito sa Netflix profile mo.

I-on ang Descriptive Audio

  1. Piliin ang Settings sa home screen ng device mo.

  2. Piliin ang Accessibility.

  3. Piliin ang Audio Descriptions.

  4. I-toggle ang switch sa On.

  5. Bumalik sa Netflix app at simulang mag-play ng isang pelikula o TV show.

  6. Habang nagpe-play ang pelikula o TV show, mag-tap kahit saan sa screen ng iOS device.

  7. Piliin ang button na Audio at Mga Subtitle sa kanang bahagi sa ibaba.

  8. Siguraduhing may Audio Description ang napili mong audio option.

  9. I-tap ang Tapos na.

  10. I-play ang pelikula o TV show mo nang kahit 5 minuto para ma-save ang settings mo.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article