Paano mag-download gamit ang mobile data sa halip na Wi-Fi
May lalabas na message na Naghihintay ng Wi-Fi kapag naka-set ang device mo na gumamit ng Wi-Fi para sa pag-download pero walang Wi-Fi connection.
Para mag-download gamit ang mobile network mo imbes na Wi-Fi:
Sa message na Naghihintay ng Wi-Fi, piliin ang Settings sa Pag-download o I-download Na.
Kung mapo-prompt kang Palaging payagan ang mga pag-download gamit ang mobile sa Android device, piliin ang Payagan.
I-toggle ang switch sa tabi ng Wi-Fi Lang para i-off ang setting.
Hindi agad-agad magsisimula ang pag-download. Para magsimula, i-tap ang icon ng Mga Download pagkatapos ay I-download.
Para mag-download kapag may Wi-Fi na ulit imbes na gamitin ang mobile network mo, piliin ang I-cancel o OK.
Puwedeng baguhin kahit kailan ang setting na Wi-Fi Lang:
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang Settings ng App.
Sa Mga Download, i-on o i-off ang switch sa tabi ng Wi-Fi Lang.
Paalala: Hindi mo mababago ang setting na ito kung mayroon kang mga naka-pending na download. Kung naka-gray out ang gusto mong setting ng data, i-cancel ang lahat ng naka-pending na download o hintaying matapos ang mga ito, pagkatapos, subukan ulit.